\helpfinderph
www.helpfinderph.info
www.helpfinderph.info
Last Updated: 5 August 2024
MGA PAALALA / REMINDERS
Alamin kung anong uri ng assistance ang kailangan.
Hanapin kung ito ba ay medical (doktor o hospital), burial, o legal (abogado).
Buksan ang kanilang website (internet) or pumunta sa kanilang opisina upang malaman ang mga kailangang mga papeles.
Kung malapit lang ang kanilang opisina, pumunta nang personal at magsumite ng mga requirements.
Mag antay kung kailan matatanggap ang tulong.
Itanong kung pwede mangalap ng iba pang assistance kung ito ay hindi sapat.
Iwasan ang "fixer" or ibang tao na nag aalok ng tulong na hindi konektado sa kanila opisina.
ANO ANG CROWDFUNDING?
Maliban sa mga tradisyonal na pangangalap ng assistance, personal man o sa himpapawid, may bagong uri ng assistance.
Ito at tinatawag na "CROWDFUNDING".
Ang Crowdfunding ay ang pamamaraan ng paghingi ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng internet (webiste/app).
Pumili lamang ng ankop na "crowdfunding platform" o maghanap pa ng ibang "crowdfunding platform" sa internet.
Lumikha ng account gamit ang inyong email.
Basahin mabuti ang mga patakaan ng bawat "crowdfunding platform" lalo na kung kailan at paano makukuha ang pera.
Maging tapat sa pangangailangang pera at sabihin kung para saan ito gagamitin.
Kung kinakailangan ng mga dokumento galing sa doktor o opisyal, kumuha ng orihinal at itago ang photocopy.
Isama sa mga litrato na i-uupload sa wesbite/app.
Siguraduhing orihinal ang ID na hawak.
Kung may duda, humingi ng tulong sa mga autoridad.